Dalawampu't Isa
Maepail 1999 (Marikina)
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Namulat ang aking mga mata
Nakita ko ang Iyong halaga
Napagmasdan ang Iyong mga katha
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Lumiban ako ng isang pagkain sa loob ng isang araw
Pinilit na tumingin sa Iyong mga mata
Kahit na ang paligid ko ay mapusyaw
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Napabilang ako sa Iyong mga itinalaga
Nasaksihan ang pag-aalay Sayo ng gawa
Nakita ang dulo nitong simula
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Unti- unting bumalik ang tamis ng aking pag-ibig
Unti-unting narinig ang himig sa Iyong bibig
Unti- unting muling lumiwanag ang aking daigdig
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Nasira ang bagay na sa palagay ko'y mahalaga
Ngunit sa kanyang pagkasira
Sinabi mong Sayo ako'y tumingala
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Tumulo ang aking mga luha
Tumupi ang aking mga tuhod
Natuto akong Sayo ay manalangin at lumuhod
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Nasaksihan ko ang Iyong mga kasagutan
Ang aking mga panalangin ay nakamtan
Tunay ngang Ikaw ay makakapitan
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Natuklasan niya ang katotohanan
Kung saan sakop ang iwasan
Tayo ay hanggang magkaibigan lamang
Sa loob ng dalawampu't isang araw
Natuto akong magmahal
At ipaubaya ang lahat sa Maykapal
Dahil Siya ang totoong unang nagmahal
Tapos na ang dalawampu't isang araw
Ngunit mananatiling sa Diyos ay nakatanaw
Upang hindi na muling maligaw
Sa mundong umaalingaw-ngaw
Font size:
Written on August 20, 2021
Submitted by Maepail on August 20, 2021
Modified on March 05, 2023
- 1:13 min read
- 6 Views
Quick analysis:
Scheme | Abcb Aabx Acxd Accc Acad Axbb Aeee Aeec Addd aecc |
---|---|
Closest metre | Iambic hexameter |
Characters | 1,360 |
Words | 232 |
Stanzas | 10 |
Stanza Lengths | 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4 |
Translation
Find a translation for this poem in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this poem to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Dalawampu't Isa" Poetry.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 21 May 2024. <https://www.poetry.com/poem/107449/dalawampu't-isa>.
Discuss the poem Dalawampu't Isa with the community...
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In