Alaala
Alaala
by Danah and Chin
Naalala ko pa ang dagat
kasabay nito'y ang kislap ng iyong bawat pagsulyap
Naalala ko pa ang tubig
na para bang kaylinaw ng mensahe ng iyong bawat galaw
Naalala ko din ang hangin
kasing lambing ng mga tinig mong sakin ay humahambing
Naalala ko ang init ng sinag ng araw ikaw na sa akin'y minsa'y nagmahal
Naalala ko ang mga ibon sa langit
Imahe ng ating bawat lambing
Naalala ko ang mga buhangin
ang aking paulit ulit na pagbasa sa iyong mga tulang alay sa akin
Naalala ko ang aluskos ng mga puno
Kasabay ng iyong mga tawa at patawa sa akin
Naalala ko ang mga isda
Na tila ba tayong dalawang magkasama
Papalapit na ang gabi sa dalampasigan
Unti unti ng lumilisan ang mga isda
Wala nang tunog ng mga puno na maririnig
Hindi na masilayan ang mga buhangin
Umuwi na ang mga ibong dati'y lumilipad sa langit
Palamig na ng palamig ang paligid dahil ang sinag ng araw ay humupa na
Ang hangin ay tumigil na sa pagihip
Ang tubig ay bumaba na at tila sa aki'y ayaw ng lumapit pa
Unti unti ng lumalabo ang alaala sa akin ng dagat
Marahil may iba ng barkong naglalayag sa dagat na dati akong sinisinta
Natuto na itong humupa at maglumanay ng sarili nitong alon ng emosyon
Malayo na ang dagat
Hanggang dito muna ang aking layag.
Lumalaki na ang dating dagat
Hindi ko na siya matanaw sa dati kong daungan
Nabago na ang lahat
Parang isang unos na hindi tapat
Sa paglaki ng dagat
Magsasama pa ako ng ibang barko at magpapakatatag
Sa Diyos ako'y maglalayag
Upang sa ating muling pagtatagpo ay maayos na ang lahat
Font size:
Submitted by Maepail on August 20, 2021
Modified on March 05, 2023
- 1:26 min read
- 11 Views
Quick analysis:
Scheme | AB CDEA BEA CEBB BBCX BCEBC XDDC CBCE CBCC CEEC |
---|---|
Closest metre | Iambic heptameter |
Characters | 1,485 |
Words | 282 |
Stanzas | 10 |
Stanza Lengths | 2, 4, 3, 4, 4, 5, 4, 4, 4, 4 |
Translation
Find a translation for this poem in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this poem to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Alaala" Poetry.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 28 Apr. 2024. <https://www.poetry.com/poem/107453/alaala>.
Discuss the poem Alaala with the community...
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In